"Isa kang tala, nakikita kita pero napakalayo mo para mahawakan. Para bang ginawa ka lang para pangarapin ng isang tulad kong nangangarap." TheUNWANTED_WRITER'S NOTE: Kung sawang-sawa na kayo sa mga kadramahang nakikita ninyo sa TV ay 'wag niyo ng subukang pindutin ang "Start Reading" dahil madrama ito. Manood na lang kayo ng Mr.Bean o kaya naman ay humanap ng salamin para laughtrip. Isa pang pakiusap, 'wag kayong magsayang ng oras para magcomment lang dito ng mga mean comments. Sira ang puso ko ngayon kaya naisip kong magsulat ng heartbreak story. Hindi ko kayang ipagsigawan ang nararamdaman ko kaya ang mga letra na lang ang humihiyaw para sa nararanasan ko ngayon pero kung sanay na naman kayo sa mga drama ni Sharon Cuneta ay tara na't parehas nating ipagdiwang ang pagiging sawi sa larangan ng pag-ibig. Kung nakapagdesisyon ka na at napag-isipan mong humanap ng ibang author ay wala akong magagawa pero kung okey lang sa'yo dahil parehas naman tayo ng nararamdaman ay tara na't parehas nating abutin ang tala. <3 "Masarap umibig pero mas masarap yatang makakain ng libreng pandesal."(+__+) P.S Comment niyo naman kung gagawin ko 'tong story at kung idadag ko ang happy ending. Gracias.
2 parts