Hinangaan mo. Pinaghirapan mong makuha. At nung nasayo mo na, sobra mong inalagaan at halos ilagay mo na sa pedestal kung saan siya nararapat. Itinuring mong prinsesa, ginawa mong sentro ng buhay mo. Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo mapasaya lang siya. Sobrang dami mong sinakripisyo makita mo lang yung matamis na ngiti sa labi nya. Ngunit nang dahil sa isang pagkakamali, nawala siya sayo. Dahil sa isang gabing hindi dapat nangyari. Kung maibabalik mo lang ang oras, ang mga pangyayari, ang lahat-lahat, gagawin mo. Ngunit kailan nga ba magiging posible ang mga ito? Kaya isang pagkakataon nalang ang iyong hinihingi at nagsusumamong pipiliting mabago ang lahat ng nangyari. "Please give me another chance. I'm begging you, I just love you so much!" "I'm sorry but I can't." "Why?" "Because giving you another chance means giving you another love and a ticket to break my heart all over again. I'm so sorry, it's all damned and fucked up now." Madaling gumawa ng isang pagkakamali ngunit kailanman hindi madaling i-tama ito.