May kilala akong isang babaeng laging nakamaskara, para sakin mukha siyang tanga, ngunit para sa iba, siya'y kahanga-hanga. Sa tuwing kami'y nagkakatagpo'y bigla na lamang siyang mapapangiti, ngunit buhat niyon ay pait. Matapos ay biglaang luluha sa aking harapan, nakakatawa dahil wala akong maramdamang katiting na habag sa kanya bagkus ay tuwa ang nanunuot sa aking kalooban.