Sa mundong magkaiba ang tinatamasang buhay, sa bawat pagkataong hindi minsan tanggap ng karamihan at sa bawat taong marunong magpahalaga sa buhay at pagmamahal. Nabuo ang pagtatagpo ng landas ng tatlong nilalang. Si Vince na sa kabila ng bawat pagsubok ay mas piniling mabuhay at maging masaya sa piling ng ina at pinsan. Si Allie na mula pagkabata ay naghahanap ng pagkalingang hindi kailanman naranasan. Si Jillian na sinubok sa isang tila bangungot na karanasan. Anong istorya nga ba ang mabubuo sa tatlong landas na pinagtagpo ng tadhana?