Jamaica Castro's happiest day was about to come - her wedding with the man of her life, Eduard Filbar. Pakiramdam niya ay isa siya sa mga heroines ng bawat movies na napanood. She felt like the luckiest woman on earth. But that feeling changed at the day of her wedding. Dahil isang hindi kapani-paniwalang pangyayari ang naganap. She was kidnapped by the stupidest man walking here on earth, Dave Talisen! Ang masama pa ay hindi naman siya ang dapat na kinidnap nito! "Y-You mean, hi-hindi ako ang target mong dukutin? N-Na nagkamali ka lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Jamaica sa lalaki. Ilang sandali na lang siguro ay tuluyan na siyang mababaliw. Napakamot sa ulo ang lalaki at sandaling nag-isip. "Nagkamali ako," anito. "Bakit ba naman kasi pasabay-sabay ang kasal mo?" Tiningnan niya ito ng masama. "At ako pa ang sinisi mo?!" tuluyan nang kumawala ang lahat ng galit na nararamdaman at sinugod ang lalaki. Malakas na pinagsusuntok ni Jamaica ang dibdib nito. "Ibalik mo ako sa kasal ko! You stupid, stupid man!" Mabilis na hinuli ng lalaki ang kanyang mga kamay. "Shut up, lady! Huwag kang mag-alala, ibabalik kaagad kita. I'm sorry again, okay? Ilang beses pa ba akong hihingi ng pasensiya? Ganyan ba talaga kayong mga babae? Hindi na mapaki-usapan?"