Isang masayahing bata at namumuhay lamang ng simple si Julia ngunit mahirap kunin ang tiwala niya, eh panu naman kung isang araw ay may lalaking dumating sa buhay niya na tila lalong pinapagulo ang buhay ng ating bida? Lalambot na ba ang puso ng ating bida o lalo niya itong isasara? Anung gagawin niya kung isa’t isang nawawala ang mga mahal niya sa buhay? Pagkakatiwalaan niya ba ang bago niyang Prince Charming para tulungan siya? O magdadalawang isip kung sinu nga ba talaga ang lalaking sumulpot sa buhay niya? Alamin ang mapait na nakaraan ni Julia na bumabalot sa mga kababalaghang nangyayari sa buhay niya. Sino nga ba ang tunay na mga kaibigan niya at sino ang ahas? Kakayanin niya ba ang pagsubok na nakalaan sakanya? Lalo na’t parang nag-iisa nalang siya?