Beautiful Life Isa lamang siya sa mga simpleng bata na ang gusto lang ay ang kasiyahan. Paano nga ba niya malalampasan ang mga hindi naman niya ginustong pangyayari sa buhay niya? Ano ang mga gagawin niyang paraan upang manatili siyang matatag. Upang maging isang masiyahin sa gitna ng mga pangyayari sa buhay niya. Minsan ba ay naisip niyang magpakamatay upang mabawasan ang mga paghihirap niya? Normal lamang ito sa buhay ng isang tao, ang mga problema, mga pag-aalinlangan, mga hadlang upang maging masaya, at higit sa lahat ay ang panandaliang kasiyahan at ang walang katapusang kalungkutan. Hanggang sa, masabi na lamang niya ang mga katagang; "Nais ko na lamang manirahan sa buwan, kung saan walang sakit na mararamdaman." Nakakalungkot isipin ang nais niyang ipaka-hulugan sa mga katagang kaniyang binitawan. Ngunit ano nga ba ang ibig niyang sabihin?