30 players, 12 challenges, an unknown island, and a chain message. Hindi na mabilang sa daliri ang nawawalang mga estudyante taon-taon sa iba't ibang unibersidad. Isang kakaibang chain message ang kanilang natatanggap bago pa man sila mawala. Hindi naman matukoy ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod nang pagkawala ng mga mag-aaral na ito. Isang chain message na may kaakibat na responsibilidad ang natatanggap ng mga nawawala. Dinadala sa kakaibang lugar kung saan ginaganap ang isang laro. Nakalakip dito ang lihim na laro ng buhay at pera. Ito ang larong pinasok nang mga nangahas sumali o sinali. Kapalit ng tagumpay ay malaking halaga ng pera. Kakaunti lamang ang nakakaalam ng laro. Larong susubukin ang iyong pasensiya, tiwala, lakas, at talino. Handa ka na bang sumali sa larong, "Play or Pass?" Tara na! Be one of them. Book cover: Ginoong Nicolo
5 parts