[Loving You Series #5] Nang biglang magparamdam ang Rank 2 at kaaway ni Emily Martin na si Ezekiel Faustino, at sabihin sa kanyang kasama siya sa isang proposal ni Sara Buenaflor, doon nagsimulang bumagsak ang langit sa kanya. Kailangan niyang iwan ang Rank 1 at ibigay ito kay Ezekiel na ayon sa proposal ni Sara na minsang naging kaibigan niya. Kapalit ito sa utang niya sa babae at wala siyang pagpipilian kundi sundin ito. Mabagal ang naging pag-ikot ng mundo ni Emily simula nang masangkot siya sa relasyon ni Ezekiel at Sara. Mas lalong babagal ang pag-ikot nito sa oras na malaman niyang hindi si Sara ang para sa lalaki.