Itago niyo na lamang ako sa pangalang chubs, sana po magustuhan ninyo ang aking karanasan sa aking pinag OJT-han. Isa sa mga rotation namin bilang intern ang mag OJT sa isang psychiatric facility/hospital na kinontrata ng school upang magsilbing training ground sa aming mga estudyante pa lamang at magkaroon kami ng sapat na kaalaman at ideya sa papasukin naming field kapag kami ay grumaduate. Ang school namin ay nakakontrata sa isa mga kilalang psychiatric hospital sa NCR ito ay sikat sapagkat naaalagaan ang mga pasyente dito at natuto-tukan sila di gaya sa ibang facility at hospital. Dito na magsisimula ang aming kalbaryo kasama sina fredo at menggay na aking mga kaklase. Ano kaya ang malagim na dahilan kung bakit umabot sa ganung sitwasyon si ate chai? Ano kaya ang iba't-iba pa niyang katauhan? Samahan ninyo akong alamin yan!