"Ano ang iyong pangalan?" nagtatakang tanong ni Isabella sa babaeng kaharap niya. "Bakit kamukha kita?" Nakakapangilabot ang katotohanang parang nakatitig ito sa sarili niyang repleksiyon. "Isabella Buenavista," pagpapakilala ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Isabella sa kaniyang narinig. "At bakit kapangalan din kita?" singhap nito.