Zack and Sab ( Original Story ) by Toyantz

Zackarias Hidalgo - Mahirap ngunit pursigidong makapag aral. Mabait at masunuring anak. Tapat at maasahang kaibigan. Sabina Robles - Anak ng amo ni Zack. Spoiled. - - Lumaki si Zack sa poder ni Ditas. Sa dami ng hirap na pinagdaanan nito, tumatak na sa kanyang isip na kailangan nyang ibalik ang paghihirap na pinuhunan ng ina. At ito ay sa pamamagitan ng pagtatapos ng pag aaral. Sinuwerte namang may isang mabait na lalaking tumulong sa kanya. Si Saimon Robles, isang negosyante. Dahil sa kabutihang loob at awa ng lalake, kinupkop nya ang mag ina kapalit ng pagsisilbi nito bilang kasambahay. Tuwang tuwa si Zack at Ditas sa ideya. Makakapag ipon sila para sa pag aaral ng binatilyo. Ngunit may mas magandang offer si Saimon. Libreng pag aaral ni Zack kapalit ng pag aalaga nito sa kanyang nag iisang anak. Si Sabina. - - Kung tutuusin, madali lamang kay Zack ang lahat. Babantayan lamang nya ang mga kilos ni Sab habang nag aaral. Madali lang ito dahil sa iisang eskwelahan lamang sila. .. Planado na ang lahat. Kapag nakatapos sya ng pag aaral, gagawa sya ng paaran para matupad ang pangarap na maging Doktor. Ngunit nagkamali si Zack. Ang simpleng pagbabantay nya kay Sab ay naging kalbaryo. Ang pagtinging kapatid na inuukol nya para dito ay nagbago sa paglipas ng panahon. Ang pagtinging kapatid ay napalitan ng paghanga sa unti unting paglitaw ng ganda ng dalagita. Hanggang ang paghanga ay nauwi sa pagmamahal. - - Ito ang pinakamalaking suliranin ni Zack. Paano nya ipagtatapat ang nararamdaman sa among si Sab ? Kung sakaling maipagtapat nya, may pag asa ba syang mahalin din nito ? Paano na ang mga magulang ng dalagita ? Paano kung magalit ang mga ito sa kanya ? Paano na ang kanyang pag aaral ? Paano na ang kanyang pangarap ? Bakit maraming tanong ang author na alam naman nya ang sagot ? ? Di ba parang tanga na lang ? Pwedeng basahin nyo na lang ?
Start Reading

Recent Comments

wooowww d2 pala ito....haaayyyy tagal kitang hinanap zackarias at sab....

tnx toyantz...
wow andito nadin sya maganda to promise read it until the end di nakakasawa... :)
wala na po bng kasunod?? :( nabasa ko na lahat ng chapter na nasa facebook nyo po :((


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

supertoyantz

supertoyantz

Name The Ace of Spade
Location not specified
Member Since Oct 10, 2012
Votes Received 7,559

Media