You can read the English Version In Sofanovel. Masalimuot ang buhay ni Coraline dahil sa kanyang kamag-anak na pinagmamalupitan siya. Pero nagbago ang lahat nang may maganap na eclipse na hindi niya inakalang may kung ano sa ilalim ng napakagandang eklipse. Nasa lawa siya nun at pilit hinahabol ang napunit na pahina ng kanyang aklat patungkol sa taong 1945, bigla nalang lumalim ang mababaw na lawa dahilan para malunod siya. At nang makaahon siya ay ganoon na lamang ang pagkunot ng kanyang noo nang magbago ang modernong hitsura ng lugar sa isang makalumang panahon. Bumalik siya sa taong 1945! Kaya nakilala niya ang isang masungit, tahimik at napakalamig ang pakikitungo na lalaki na si Ybrahim, anak ng isang heneral na nagparamdam sa kanya ng totoong pagkalinga, pag-aalala at pagmamahal. Ayaw na niyang bumalik sa kasalukuyang panahon ngunit paano kung panandalian lang pala ang pagbisita niya sa sina-unang panahon? Paano na ang pagmamahalan nila? Enjoy reading Team Ybraline! 💚 Started: July 16, 2020 Ended: December 22, 2020
33 parts