Kilalanin si Gaiatians Cathalia Decillio, ang dalagang laki sa layaw na biglang nakapasok sa mundo ng mga Engkanto. Sa pagdating niya sa kulungan ng mga engkanto ay malaking dagok iyon para sa kaniya. Ang Gaiatians na ubod ng kamalditahan ay biglang magiging maamo at alipin ni President Asval. Makakabalik pa kaya siya sa mundo niya? O makukulong na siya habang buhay sa puno ng Campora? Tutulungan kaya siyang makabalik ni Asval tulad ng ipinangako niya o mas pipiliin niyang basagin na lamang ang pangakong pinaasa niya sa dalaga? Halika't subaybayan natin ang paglalakbay ni Gaiatians sa mundo ng mga engkanto kung saan hindi niya maiiwasang mahulog sa makisig na Presidenteng si Asval.