Alam ba talaga ng puso kung sino ang totoong nilalaman nito? O maging ang puso ay naguguluhan din? ♡*♡ ♡*♡ Aliyah at zenny, ang mag-bestfriend na hindi magpapatalo sa hamon ng buhay, kahit pa mahirap ay kakayanin nilang magsumikap para sa mga pangarap na gusto nilang ma-achieve. One day, dumating sa buhay nila sila stephen at aerrol, ang magkaibigang determinadong ring maabot ang mga pangarap kahit ano pang challenges ang humadlang sa kanila. 'Di nagtagal ay nagka-crush si aliyah kay stephen, at si aerrol naman ay niligawan si zenny, naisipan ni aliyah na ipaalam kay stephen ang feelings niya, pero dahil sa pagiging mahiyain at pagkahilig niya sa mga old stuffs, naisipan niyang ang bestfriend na si zenny ang magbigay ng mga ipapadala niyang letters at messages kay stephen. Pero, sa paglipas ng mga araw, paano kung sa pagpapadala ng mga mensaheng yun ay may bagong pag-ibig na uusbong? Paano kung sa pangungulila ay hindi pala ang inaasahan nilang tao ang nilalaman ng mga puso nila? Kundi sa isang special someone na malapit sa taong inakala nila na gusto nila?