Hindi ko alam kung ano talaga'ng nangyari. Pag gising ko na lang isang umaga, andyan na sila sa harap ng gate namin. Nagpupumilit pumasok. Buti na lang mataas ang pader namin kaya may konting proteksyon. Hindi ko lang alam kung ano'ng nangyari sa ibang mga tao na walang bakod o gate. Tiyak, pinasok na sila habang natutulog. Tiyak, pinilit nilang lumaban kaso biglaan ang pag-atake eh. Akala ng lahat COVID-19 lang ang kalaban. Yun pala, may mas masahol pang naghihintay...ZOMBIES!!! ***this is a work of fiction***