"Miranda kailangan na nating umalis dito nagkakagulo na sa labas ng chania"Saad ni urla habang palakad lakad dahil sa labis ang takot. "Maghintay ka lamang urla, may hinahanap lamang ako"Pagpapaliwanag ni Miranda habang may kinakalkal sa kanyang mga lumang kagamitan. "Mukhang importante yan, ano ba ang iyong hinahanap?"Pag-uusal ni urla. (Magsasalita na sana si miranda ng may nakita siyang umiilaw sa kanyang kagamitan kaagad niya itong tinignan). "Ang libro ng propesiya, ang simbolo ng lahat ng bayan dito sa golden land ngayon ko na lang ulit ito nakitang umilaw"Pagtataka niya ng may naramdamang kaba."Tila may gusto itong ipabatid sa atin"Saad niya. "Nakapagtataka dahil ito ay umilaw ulit" Saad ni Urla. (Itinaas ni miranda ang kanyang kaliwang kamay at binigkas ang mahiwagang salita upang ito ay magbukas. Nagbukas ang isang pahina na walang nakasulat ngunit unti-unting may lumilitaw na salita binasa ito ni miranda). Taglay niya ang Ganda na hahangarin ng lahat ng kalalakihan, lakas na hindi madadaig nino man, talino na hindi mahihigitan ng kahit sino pa man at kabutihang kalooban na magdadala sa kanya sa tagumpay. Siya ay natatangi sa lahat dahil taglay niya ang limang kapangyarihan, ang hangin, lupa, tubig, apoy at ang kapangyarihan ng liwanag kaya't hindi siya madadaig nino man, inakala ng lahat na siya ay nagwakas na ngunit nagkakamali sila dahil siya ang tatapos sa kasamaan at pagbubukludin niya ang lahat ng bayan sa golden land Ítan étoimos. "Ano ang ibig ng huli mong sinabi"Pagtataka ni Urla. (huminga muna si miranda bago sabihin ang huling binigkas nito). SIYA AY NAGBABALIK Alamin kung sino ang tinutukoy sa propesiya at tuklasin ang sekretong natatago sa Golden land.
8 parts