Bata pa lang si Diary Mikael Mariano ay buo na ang pangarap nya. Iyon ay ang maiahon sa hirap ang mga magulang. Wala s'yang ibang pangarap kung hindi yun lang. Wala s'yang interes sa ibang bagay maliban sa pag-aaral. Ayaw nya sa maingay at magulong lugar. Ang isa pa sa pinaka-ayaw nya ay kapag nasasayang ang oras nya sa mga walang kwentang bagay. She's silent but straightforward in her words. She has this personality that will make you hate her. Pero nagbago ang lahat ng iyon simula ng mahulog sya sa kuya ng kaibigan nya. Apat na taon ang agwat nila sa isa't-isa pero hindi naging hadlang iyon para ibigay nya ang sarili sa lalaki. Sa lalaking akala nya ay nagbago na. Pero isang malaking akala lang pala ang pagmamahal nito sa kanya. Pagkatapos s'yang pangakuan ng panghabang-buhay na pag-ibig ay basta na lang syang sinaktan at iniwan. Iniwan kasama ang anak nilang nasa sinapupunan nya. She kneeled for him to come back. She begged for his love. She surrendered everything to him. But she ended up with nothing. And now she's back to get her revenge.