Lahat tayo ay nagmamahal. Lahat tayo ay nasasaktan. Ngunit hindi lahat kayang maghilom sa pinakamabilis na panahon. Hanggang kailan mo kayang magmahal? Hanggang kailan mo titiisin ang sugat na dulot ng isang masakit na nakaraan? Ang paghilom ang pinakamahirap na prosesong dapat nating pagdaanan at ito rin ang pinakamagandang dapat mangyari sa atin. Hindi maghihilom ang sugat sa paraang nais natin. Maghihilom ito sa tamang paraan na kailangan natin. It takes time for wounds to fade into scars. It takes time for the process of healing to take place. The process of healing does not end when the wounds are no longer visible. It ends when the wounds no longer ache. May iba't ibang paraan man tayo sa pagmamahal at masaktan man tayo dahil dito, lahat ng ito ay magbibigay sa atin ng aral. Isang aral na magtuturo sa atin kung paano maging matapang. Kung paano magpatawad. Kung paano magmahal muli. Kung paano maghilom sa mga sugat na dulot ng isang masakit na nakaraan. Paano ba talaga makakamit ang tunay na paghilom? ----- @91binibini DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang isip lamang. Anumang pagkakahalintuad nito sa pangalan, karakter, lugar, o pangyayari ay likha ng imahinasyon ng manunulat at nagkataon lamang. #paghilom2019