Ano nga ba ang kukompleto pa sa buhay ng isang taong may perpekto ng buhay?
Si Calvin Chiu ay isang napaka-perpektong nilalang. Gwapo, mayaman, matalino at kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Masungit man ay hindi pa rin nawawalan ng fangirls. Pero para sa kanya, may kulang pa rin sa kanya. Hindi pa rin siya buo. Kahit na tingin ng iba ay perpekto na siya, may isang bagay pa siyang hinahanap para makumpleto siya.
Paano makukompleto ang pagkatao ng isang taong napakarami pang pagkukulang?
Si Ian Severino ay ang happy go lucky cutie ng campus. Madami ring nagkakagusto sa kanya dahil sa kagwapuhan niya. Commoner lamang sila at may mga utang din na binabayaran ang mga magulang. Kaya naman lahat ng raket ay pinapasukan niya. Para sa kanya, yumaman lang sila ay kumpleto na ang pagkatao niya.
Pareho silang may kulang sa pagkatao nila. Pareho nilang gustong makumpleto iyon. Pero paano? Paano pupunan ang isang pagkukulang kung hindi rin mismo nito mapunan ang sariling kakulangan niya?All Rights Reserved