“Matagal ko na silang nararamdaman. Labing-isa silang lahat. Batid ko na buong buhay ko ay nakamasid silang lahat sa akin. Hindi ko sila nakikita ngunit pakiramdam kong palagi silang nasa aking likod. Naghihintay. Sa oras na ako ay makalingon na, ay wala naman akong nakikita. Pero sigurado akong dumating sila at agad lamang na nakaalis. Isa lang ang sigurado ko, mga anghel sila.” Lingid sa kaalaman ng tao, ang bawat kasalanang kanilang ginagawa ay naiipon, sa isang lugar na kailanman ay hindi inaasahan ng isang mortal. At ang pagkasara ng lugar na ito mula sa isang matinding pangyayari ang magdudulot upang magunaw ang mundo. Marami na ang nangyari bago pa man maisip ni Leon na ang pagkabilang nya sa labing-isang nilalang ay upang gamitin lamang sya. O sapantaha nya lamang ito? Bukod sa resultang namatay sya dahil dito, magagawa nya pa kayang tanggihan ang mga ito sa impormasyong maaaring sya ang susi sa pagkaligtas ng kanyang dating mundo? Magagawa ba nya ang naatas na tungkulin kung sarili nya naman ang sakripisyo? Handa ka na bang lumipad?
2 parts