Alery is every woman's dream, nasa kaniya na ang lahat. And yes, while he has everything, wala sa isip niya ang salitang pamilya at pagseseryoso sa sinumang kalahi ni Eba. He's allergic to commitment. Kaya naman ng dumating si Xaxa sa buhay niya, at nagsimula itong iparamdam ang sobrang pagmamahal, nagmamadaling umalis siya sa buhay nito. Not knowing that the one night they have shared, was meant to change their lives, forever. Xaxa loves Alery so much. And he broke her. Umalis ito matapos makuha ang lahat sa kaniya. Matapos angkinin ang buong puso niya at kaluluwa. Hanggang sa nalaman niyang buntis siya. Gustuhin man niyang malaman ni Alery ang kalagayan ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon. And now after five long years, nagkita silang muli. May kabog pa rin sa dibdib ng dalaga, ganun din naman sa binata. Will it ignite the fire that is still burning inside of them? O pipiliin nilang patayin na lang yon at mag-move on na sa kani-kaniyang buhay?