Barumbado, Tarantado, siraulo, mabisyo at basagulerong binata si Axel. Pero sa kabila non, may isang tao na pilit pa ring binabago ang lahat ng masasamang ugali niya. May isang tao pa rin na pilit na itinatama ang lahat ng pagkakamali niya. At iyon ay ang dalagitang si Helena, na siyang magpapaalala sa kanya kung gaano kasayang magmahal muli at kung paano maging masaya. Inihahandog ni CaptainYoo ang isang kwento ng pag-ibig na magpapakita sa atin na ang edad ay hindi mahalaga kung nagmamahal talaga. *Reminder: This story contains lots of vernacular words and scenes that may not suitable for young readers.