Sa buhay natin... Siyempre maraming pagsubok, maraming hadlang, at maraming pagdadaanan ...Para makamit ang sayang hinahangad. Masasabi kong, 'yan ang tatlong bagay na dahilan kung bakit maraming nagiging fail pero 'pag nalagpasan, success ang katapat. Dahilan ng paghihirap, pero 'pag nalagpasan, ginhawa ang katapat. At dahilan ng lahat ng pasakit, pero 'pag nalagpasan, puno ng kasiyahan ang katapat. PAGSUBOK. Sabi nga nila, lahat ng tao nakakaranas ng maraming pagsubok na kahit ako o maging ikaw, eh meron din niyan. Isa 'yan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng failures. 'Di po ba? Pero naniniwala ako na hindi sapat na dahilan 'yan para sumuko. Pagsubok lang 'yan na binigay sa'tin ng Diyos na alam niyang kaya naman natin 'tong malagpasan. HADLANG. Obvious ba? Hindi lahat after ng pagsubok na nalagpasan eh happy happy na. Siyempre, hindi mawawalan ng hadlang sa buhay. Kasali na diyan ang mga taong patuloy na pinapababa ka. Kasali na din diyang ang financial needs. At siyempre hindi mawawala ang mga bagay na nagpapaalala sa'yo sa mga nakaraan. Hadlang lahat ng iyon. Pero itong mga hadlang na 'to ang magsisilbing dahilan para mapagpatuloy ka sa buhay. PAGDADAANAN. Eto na nga. Lahat tayo, siyempre parang kagaya ng pagsubok, madaming pagdadaanan. Sa lahat ng pagdadaanan mo, lahat na nadiyan. Mapa-positive o mapa-negative. Alam kong aware tayo dun. 'Yan din ang magiging daan papunta sa magandang kinakaharap. --- This is my first story. Uhm, I hope na maraming magbasa nito although I never experienced writing story.
9 parts