Naniniwala ka bang opposites do attract? Parang magnet na kahit na negative yung isang side ay pinipili nyang dumikit sa positive side nung isa pang magnet. Pwede rin kaya to sa tao? Yung dalawang taong totally opposites ang attitude, estado sa buhay at itsura, pero attracted sa isa't isa? Paano kaya sila magkakasundo at magsasama kung magkaibang magkaiba talaga sila?
Wala namang limitations sa pagmamahal diba? Sabi nga ni MissPepperHanYo, Wirdo man o makulit, nagmamahal din :)
“Pero alam mo kasi sabi dati sakin ni Sister Jean, bilog daw ang mundo. Hindi daw yun titigil para lang sa kahit na sino. Nasayo na yun kung paano mo ida-drive yung buhay mo. Sabihin na nating hindi nga totoo yung fairytales pero, totoo namang umiikot yung mundo at anytime, pwedeng mawala sayo yung bagay na meron ka ngayon. Kaya hanggat kaya mo, pahalagahan mo na lahat ng meron ka ngayon. Hindi bukas, at hindi rin sa susunod na mga araw.”
- JaiAll Rights Reserved