Naranasan mo na bang managinip ng mga taong hindi mo kilala? Yung mga taong tingin mo ay hindi mo pa nakikita sa tanang buhay mo. Naniniwala ka ba sa soulmate? Yung mga taong nakatadhana para sa isa't isa. Pero pano kung yung taong nasa panaginip mo pala ay yung soulmate mo. At pano rin kung isang araw, nabuhay nakita mo sya sa personal. Buhay na buhay! As in parang ikaw na kumakain, natutulog at tumatae rin. Anong gagawin mo? Este, ano kayang mararamdaman mo? Matutuwa, maiiyak o MATATAKOT? "Alam kong panaginip lang lahat to. Sya ulit yung napapanaginipan ko. Yung lalaking di ko maaninag at boses lang yung naririnig ko." -Shai