Pagkatapos ng isang masalimoot na pakikipaghiwalay ni luvimel sa kanyang asawa, sa muli ay binalikan niya ang buhay na una niyang minahal. Ang pagkanta. Pinatunayan niyang hindi ang isang masakit na karanasan ang tuluyang sisira sa kanyang mga pangarap na minsan niya ng tinalikoran para lamang sa taong kanyang minahal. Ngunit isa na namang pagsubok ang susubok sa kanyang katatagan. Na diagnose ng isang doktor ang pagkakaroon niya ng lamat sa vocal chords, na nagiging dahilan ng paglubog ng kanyang boses.. Sanhi ito ng kanyang unhealthy lifestyle bilang bokalista ng isang banda. Alak, sigarilyo at sobrang pagpupuyat. Anim na buwan ang gugugulin niya para sa pagpapagaling. Ayaw niya mang gawin pero muli ay kailangan niyang tumigil sa pagkanta. Ang pinoproblema niya sa ngayon ay ang perang pang suporta para sa anak niyang naiwan sa pangangalaga ng kanyang mama. Wala siyang ibang choice kundi tanggapin ang offer ng kanyag matalik na kaibigan na mamasukan pansamantala bilang personal maid ng isang retired general na si Don Emilio Contreras. Ang matandang binata na magbibigay sa kanya ng di inaasahang atraksiyon. Paano matatakasan ni luvimel ang pagnanasanag kanyang nararamdaman sa tuwing napapalapit sa matandang kanyang pinagsisilbihan.