Ihanda ang mga mahuhusay na pluma, Muling dadanak ang tinta ng mga makata, Nalalapit na ang digmaan ng mga tula, Pagalingan at pahusayan hanggang sa isa na lang ang matira! Matitira ang matibay Sa aming sisimulang digmaang tunay Kung saan ang mamayaning kulay Ay ang sumasagisag sa ating buhay. Isa, dalawa, tatlo, Hindi matatapos ang buwan na ito; Muling magbubukas ang paligsahang susubok sa inyong talino, Maghanda na sa digmaang walang sinasanto! Hasain ang isipan, Humanda na sa mautak na labanan. Muling magbubukas ang paligsahan, ABANGAN! -PluMakata Team