April 24: birthday ko, birthday niya, at anniversary naming dalawa. Sweet. Maraming pagkakahalintulad. Legal. Compatible sa isa't isa, sabi nga nila. Pero wala eh. Nothing last forever, siguro. Akala ng iba, kami na talaga. Oo, kahit ako... Akala ko din! 'Yung lalakeng akala kong makakasama ko sa habang buhay, mawawala din pala. Hindi naman pala kasi lahat ng tao, kaya mag-tiyaga. Oo, siguro kaya. Pero lahat naman tayo ay tao. Napapagod at nagsasawa. Pero bakit ganon? Kahit ilang tao na 'yung dumaan sa buhay ko, ikaw at ikaw pa din ata ang hahanap hanapin ko. Ano ba dapat kong gawin? Mag-move on ba? O talagang dapat kalimutan ka na, para tapos na?