Sabi nila "the more you hate, the more you love", alam ko gasgas na yang linyang yan lalo na sa pandinig ng karamihan pero totoo naman di ba. I mean, karamihan sa mga love story diyan nagsisimula at nagkakaiba iba lang sa ending ng bawat story and how it goes. Diyan din nagsimula ang love story namin ngunit bakit parang ang dami namang atang " hate" sa story namin...Lahat ng love story nagsisimula sa wakas dahil dun pa lang talaga masusubok ang tibay ng inyong pagmamahalan. Yun yung point na andamying choices, hadlang, pains at marami pa siyempre dahil kapag nagmahal ka ay kaakibat na palagi diyan ang sakit. Sakit na nagdudulot sa iba na magbago. Ako po si VEM at samahan niyo po akong lagpasan lahat ng pagsubok sa pagmamahalan namin ni JK at gaya ng nakasanayan ay nagsisimula din po ito sa "the more you hate, the more you love" ngunit may lihim pa lang nakatago na sasabog na magsisilbing pinakamatinding pagsubok sa buhay namin.