Napamulat ako ng marinig ang malakas na kulog sa labas. Bumabagyo at namamaluktot ako sa banig na pinagkakahigaan ko sa sobrang lamig. Niyakap ko nalang ang sarili ko para maibsan ang lamig. "ASAN KA NG BATA KA?" narinig kong sigaw ni Tatay Jojo, sabay bato ng bote ng alak na kakatapos niya lang ubusin. "Wala ka ng binigay sakin kundi problema!" sigaw nanaman niya pagkatapos ay sunod-sunod na tunog ng mga nababasag na bagay. Napatayo ako mula sa pagkakahiga ko sa banig. Dali-dali akong tumakbo papunta sa unang bagay na nakita kong pwedeng pagtaguan. Habang umiiyak at nagtatago sa kabinet ng kwarto ko. Paulit-ulit kong dinadasal na sana tumigil na at bumait na saakin si Tatay. Pilit kong tinatakpan ang mga tenga ko gamit ang mga maliliit ko na kamay para hindi marinig ang mga sigaw nya at pagbabasag ng gamit. Kumalabog ang pinto ng kwarto ko. Hudyat na nakapasok na si Tatay sa kwarto ko. Napahawak ako ng mahigpit na kwintas na tanging pamana sakin ni Nanay. Pilit kong pinikit ang mga mata ko sa takot na mabubog nanaman. Naririnig ko na papalapit na ang mga hakbang niya sa pinagtataguan ko. Ng bigla nalang huminto ang mga hakbang. "Huli ka!" sabay bukas ng pinto ng kabinet. Nakita ko ang nanlilisik na mata ni tatay habang nakatingin siya sakin. May hawak siyang kahoy na nakahanda ng ipalo sakin. Wala na akong nagawa kundi iharang nalang ang dalawang kamay ko sa ulo ko. At antayin ang masakit na pagtama ng kahoy saakin. Pero walang dumating. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nakabulagta na si Tatay sa sahig habang ang mga kamay ay nasa likod na hawak ng isang lalaking 'di ko kilala. Sobrang eligante ng suot ng lalaki at sa suot palang niya masasabi mong mayaman s'ya. Yumuko ang lalaki ng magkatagpo ang mga tingin namin. "Come with me my princess. The king is waiting for you." sabi ng lalaki sabay abot ng kamay sakin.