Pagkakapantay-pantay. Pagkakaisa. Progreso. Ang three pillars ng Union. Ngunit sa isang lipunan kung saan lalong lumalawak ang puwang sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, at lalong lumalaki ang racial divide, walang kabuluhan ang three pillars. Totalitarian government, brainwashing, subliminal messages, propaganda, secret societies, poverty, technology. Sa mga mata ng mga taong nagmula sa iba't-ibang parte ng Union, iba-iba ang hinaharap nilang suliranin. Sa mga mata ng mga nasa labas ng Union, isa lang ang nais nila: ang Union ay isang kumakalat na sakit, at dapat itong wasakin. Samahan si Ion at si Ana, dalawang kabataang mula sa magkasalungat na region sa Union: si Ion ay sa Zone 5 na tahanan ng mga mahihirap na lahi, si Ana ay sa Zone 2 na tahanan ng lahing isa sa mga nasa itaas ng social pyramid; at ang kanilang paghahanap ng kasagutan sa mga misteryong bumabalot sa Union, ang malaking bansang kinabibilangan ng limang uri ng lahi; at ang kanilang pagnanais na itama ang lahat ng mali sa bansang patuloy na binubulag ang mga mamamayan ng propaganda at kasinungalingan. Ngunit sa likod ng mga ito'y nariyan ang ibang mga nilalang na hindi taga-Union, na nagnanais na wasakin ang bansang kanilang kinabibilangan.
20 parts