"Mr. Right? hmmm.." nagdadalawang isip na nasabi ni Mia, pagkatapos na ituro ng nguso sa kanya ni Des, ang paparating na nakasimangot na si Aldo, ang kanilang head mentor. Natawa na lang sya sa isipin na ito. Si Aldo na yata ang isa sa pinaka masungit na lalaki na nakilala nya. Hindi naman ito kagwapuhan, katatamtaman ang taas na nasa 5'6, medyo maputi, may balbas na parang sa kambing. Napahakhak sya sa naisip na larawan nito. Ngunit sa kabila nito, iba ang kaba na nararamdaman nya sa tuwing makakasalubong nya ito. Hindi din naman nya maintindihan kung bakit nakangiti ito lagi sa kanya kahit laging paiwas ang tingin nya dito. Seseryosohin nya ba ang kakaibang treatment nito sa kanya kahit puro negative ang naririnig nya tungkol dito? Sya na nga kaya ang kanyang Mr. Right?..