Si Shanelle ay may nakilalang isang lalaki, ito ay matangkad, matalino, matangos ang ilong, makinis ang mukha at mayroon din itong mahahabang mga pilikmata. Ngunit ang ayaw niya lamang sa ugali nito ay ang pagiging suplado nya sa mga taong lumalapit sa kanya, maliban na lamang sa kanyang dalawang kaibigan na si Miko Tan Santiago at Niko Clark Malonzo. Kaya ang itinawag niya sa lalaking ito ay "MR.SUNGIT!" dahil minsan na din s'yang sinungitan nito. Pero maaari nga bang magbago ang kasungitan ng lalaking ito ng dahil sa kanya??