Itong istorya na ito ay tungkol sa isang babaeng mahilig ma-inlove. Hindi siya playgirl, ha? One-man woman siya. Kalakip ng pagiging mapagmahal niya ay ang dalas niyang masaktan. Baliw kasi siya eh. Pero tingin ko ay hindi ko na babaguhin pa kung ano at paano ang pagkakasulat ng istoryang ito para na rin may remembrance ako from 4 years ago, unless may mga readers na gustong ipapatuloy ko ang istorya. Binasa ko ulit ang gawa at talaga namang sumakit ang ulo sa sobrang jeje ng pagkakasulat nito. Inaamin ko namang dumating ako sa phase na iyon ng aking kabataan ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa sa aking sarili. Marahil nga ay ganoon talaga ay magiging reaksyon ng ninuman na makaalala sa kanyang nakaraan. Gayunpaman, kung mayroon mang makakapagbasa pa rin ng istoryang ito ay sige, go lang sa pagbabasa. :) You can still vote, comment, ask, and follow and I will surely respond to those who seek answers. Enjoy reading! :) PS. batmannn26 yung nakalagay sa cover dahil yun iyong una kong username.