Nang dahil sa inggit kay Erika ng kanyang half-sister, mangyayari ang isa sa hindi niya inaasahan sa kaniyang buhay. Isang aksidente na magbabago sa buhay at buong pagkatao niya. Mapapadpad siya sa isang lugar kasabay noon ang pagkawala ng kanyang alaala. Ngayong nawala na sa kanya ang lahat, nag-isip siya kung paano mabubuhay ang sarili. Pumasok siya bilang katulong sa isang mayamang pamilya at muli siyang magsisikap at babangon sa kama, este sa buhay, sa tulong ng kanyang hunk na amo na si Rafael Roi Villafuente. Ating subaybayan ang kwento ni Inday Erika at ang kanyang mala-roller coaster na buhay.