Uunahan ko na kayo. Deadline ? Malamang pamilyar na kayo sa mga istoryang may limitasyon, may hangganan, may katapusan at yun ay dahil sa lintek na DEADLINE na yan. Pero sabi ko nga, uunahan ko na kayo. Hindi ito ang kwento kung saan may mamamatay dahil may taning na ang buhay, may bet thingy at slave thingy na merong twist kung kelan matatapos ang kaalipinan na mauuwi sa pagmamahalan. Hindi ito yung may runaway bride kung saan may deadline para matutunan mahalin ang kasintahan. Hindi man ito yung inaasahan niyo mula ng matanaw niyo ang title ng istoryang ito, nawa'y magustuhan niyo ang twist na ibibigay ko. :)