2027 . . nang magsimula na magkagulo ang buong mundo. . ito ay buhat ng magkaroon ng tinatawag na “Pacific Wrath” . . . Pacific daw ang pinaka malawak na source ng tubig sa buong mundo mga ilang daang taon na ang nakakaraan. . kung ano ang Pacific Wrath ay matagal ng nakalimutan at tanging history na lang ang nakaalam. . ang naging epekto nito sa lahat ng mga bansa ang tumatak sa bawat taong naninirahan sa buong mundo, Nagkaroon ng “All out Rebellion” ang lahat ng mga bansa laban sa pinakamalakas at pinakamakapangyarihan na bansa noon na tinatawag ngayong “State of Hestia”. Sa ngayon, lahat ng mga bansa sa silangang bahagi ng mundo ay nasasakupan ng State at ang kanlurang bahagi naman ay pinamumunuan ng tatlong bansa, ang Gaeas, Eros, at Uranus . .at ngayon ay nabibilang sa isang organisasyong tinatawag na “Olympian Alliance of Western Countries” na naglalayong pabagsakin ang State of Hestia at palayain ang mga alipin nitong bansa. Sa pamamahala ng Hestia, ang karapatan ng mga bansa at lahat ng nasasakupan nito na magkaroon ng sariling pangalan ay tinanggal at tanging mga letra at numero ang nag rerepresenta sa lugar at mga tao na nandito. Ang bawat pamilya ay naka-“classified” ayon sa antas ng pamumuhay nito. Simula sa pagiging alipin o Z-class family hanggang sa pinakanamumuno sa state ang kaisa-isang may pangalan sa lahat, ang A-class na si Emperor Llineaus. Love story, Fiction, Philosophy, Paranormal, witches, atbp. . . lahat ng yan ay matatagpuan sa kwentong ito na tumutukoy sa pagmulat ng mata ng isang estudyanteng si Drake Singleton. . . sa isang mundong walang pangalan lahat ng bagay. . . may limitasyon ay striktong sistema, at mga kapangyarihang nagmula noong nakaraang buhay ng mundo. . ito ang Haunt. . subaybayan ang npaglalakbay ni Drake at ng isang witch na si Trixie patungo sa iisa nilang layunin. . .ang pabagsakin ang Hestian Government na pinamumunuan ng Emperor na si Llineaus!