Nasaktan na naman ako, pero hindi pa rin ako nadadala. Gustuhin ko mang umiyak pero hindi ko magawa. Nadaragdagan ang sakit dahil sa mga luha. Luha na sana'y nag-iibsan ng sakit na nararamdaman pero kapag nasasaktan, pilit itong pinipigilan. Puso. Pag-ibig. Tadhana. Luha. Ang sakit sa puso. Nakakaloko ang pag-ibig. Nakakainis ang mapaglarong tadhana. Ang hirap pigilan ng mga luha. Hanggang kailan ako masasaktan? Hanggang kailan ako magiging tanga? Hanggang kailan ako paglalaruan? Hanggang kailan ako lolokohin? Hanggang kailan 'ko kakayanin? ●○●○●○●○●○●○ TRISTAN YUAN FAJARDO's "DON'T CRY, LUCIA" A series written by: Naaatsirt