JULIET(Tagalog)

2.1K 8 6
                                    

Sa mundong ito, Karaniwan na ang mga kwentong  NILOKO NI LALAKI SI BABAE. 

Kawawa naman ang mga lalaki no? Kung tratuhin ng mga babae parang hindi tao, Parang mga nilalang na nakalimutang lagyan ng puso.

Simulan na natin ang kwento ni Paul at ni Juliet (Siguro inakala niyong Romeo ang lalaki no? Romeo and Vice na kaya ngayon.) 

Si Juliet, Isang pangkaraniwang estudyante, Isang babaeng napaka pala-aral (Nerd kumbaga.), pero isa rin siyang babaeng ma-kwela tipong hindi ka dadapuan ng antok pag kasama mo siya. Simple lang ang mukha, Morena, Di katangkaran at di katangusan ang ilong, Isang tipikal na pinay ang kanyang anyo.

Si Paul, Isang lalaking ubod ng yabang, ubod ng gwapo, maputi, magaling sumayaw, star player ng paaralan, siya na talaga ang lalaking titilian ng babae. Siya na talaga ang lalaking pag-aagawan ng mga kababaihan at kabaklaan. 

Isa lang si Juliet sa dami-raming nagkakagusto kay Paul, Sino ba naman sya para pansinin ng isang campus hearthrob, hindi ba?

Sina Juliet at Paul ay magkaklase, Sa kamalas-malasan, kaklase rin nila ang girlfriend ni Paul, Si Tricia.

*Text Convo*

Juliet: Meron ka bang number ni Paul?

(Friend) Lynne: Umm, Meron, Pero may bayad. 

Juliet: Sige na please? May itatanong lang ako sakanya...

Lynne:  Mmm, Sige na nga 09#%&*#^*#%

*Text Convo*


Juliet: Magandang Gabi!

(Agad agad nagreply si Paul.)

Paul: Who's this?

Juliet: Ako nga pala si Melchora Fulgencio

Paul: Hahaha! Bayani ka ba o lola?

Juliet: *Haaaaaaay, Napatawa ko si crush.* 

Juliet: Hehehe, Joke, Si Juliet to.

Paul: Oh, Juliet? Napa-text ka?

Juliet: Wala lang, May assignment ka na? (Alam mo naman pag si crush ang ka-text mo, May ma-itanong lang.)

Paul: Hindi na ko gumagawa non, Hahaha.

****

*One day naka-tanggap ng GM (Group Msg.) si Juliet mula kay Paul*

 Paul:

Home from training, Sobrang nakakapagod, Good luck sa intrams teammates!

I miss you Tricia :(

Juliet: *Laslas pulso, tulo ang dugo.*

Juliet: Miss mo na si Tricia?

Paul: Oo, eh. Miss na miss na. :(

Juliet: *Eff naman, Bakit kailangan sa akin mo pa sinasabi ang mga bagay na ito? Mahal na mahal pala niya si  Tricia... Wow.*

Hanggang nagsimula ng magpansinan sa klase sina Juliet at Paul... Napapadalas na rin ang palitan nila ng mga text. Nagsimula na rin silang magbiruan.

Hindi maintindihan ni Juliet kung ano ba ang dahilan ni Paul kung bakit nagsisimula na itong maging sweet. (Hindi naman sa nag-aassume pero parang ganon na nga.) 

*Isang gabi nag-text si Paul*

Paul: Juliet, Magka-away kami ni Tricia. Ang gulo kasi ng isip nya eh, Okay kami tapos biglang hindi. Ang gulo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

JULIET(Tagalog)Where stories live. Discover now