Collide # 06: One Day

222 3 2
                                    

January 05, 2014 – Seoul, Korea

++ Yu Hwa's POV ++

Naiinis pa rin ako hanggang ngayon sa tuwing naiisip kong nung pumunta kami sa Haneul Resort ay hindi kami nakapag-enjoy. Dinumog lang naman kasi ng mga mayayamang fans ng BTS ang buong resort pagkatapos kong mapikon kay Jin.

"Ano yang tinitingnan mo?" sabi ko kay Yeo Jin tapos ay pasimple kong sinilip ang hawak hawak niyang cellphone.

"Don't look eonnie~" banta nito sa akin habang nagpipigil ng tili. Bawat scroll nito sa screen ng cellphone niya ay namumula ito at kung hindi nagugulat ay talagang natatawa ng mag-isa. Baliw na yata itong si Yeo Jin.

Sinulyapan ko naman si Seul Bi na tahimik lang na nagmamasid sa labas ng classroom. Pinaglalaruan nito yung ballpen na hawak niya pagkatapos ay nagpapakawala ng sunod sunod na buntong hininga. Kinalabit ko nga kasi nasa harapan ko lang siya habang nasa side ko si Yeo Jin.

"Seul Bi.."

"Hmm.." sabi niya sa akin habang hindi pa rin ako nililingon. Nung isang araw pa kasi yang tahimik mukhang iniiwasan nga yata kaming tatlo dahil sa ginawa namin nung nasa resort.

"Kapag wala ang teacher pwede tayong mag-ingay, ikaw lang yung hindi maingay dito ah?" sabi ko at tsaka umupo sa harapan niya. Lumapit naman sa amin si Yeo Jin pagkatapos niyang itago ang cellphone niya. Tapos na yata sa pagfafangirl.

"Galit ka pa rin ba sa amin?" dagdag naman ni Yeo Jin.

"Guys, hindi naman ako galit at lalong walang dahilan para magalit ako sa inyo pero sana hindi niyo nalang kami pinag-usap ni V. Alam niyo namang malaki ang kasalanan sa akin ng alien na yun." sumimangot siya at patuloy niya pa ring nilaro ang ballpen sa kamay niya. Sandali kaming nagkatinginan ni Yeo Jin. Nagkibit balikat lang siya..

"Hindi pa rin pala kayo nagkakaayos?" tanong ko sakanya.

"Makipag-ayos ka na sa kanya Seul Bi. Isa pa, wala ka na ring magagawa kasi sikat na yung tao, hindi niyo na maibabalik yung mga panahon na pwede pa siyang umatras sa pagsikat niya."

"That's the problem Yeo Jin, hindi na maibababalik. Bakit pa kami magbabati? Tsaka isa pa, sikat siya. Hindi lang dito sa Korea, kundi buong mundo pa nga yata, ayokong makihati ng oras niya. As if naman." halata sa boses ni Seul Bi ang pagkairita.

Sakto namang dumating na yung teacher namin. Kaya bumalik na lang ako sa upuan ko.. Mukha pa nga kaming talunan ni Yeo Jin habang pinagmamasdan si Seul Bi na malungkot sa gitna ng klase. Nagdiscuss lang naman kami ng lessons at yung assignments namin pagkatapos din ng isang oras at kalahati eh dinismiss na kami. Nagpaalam ako kay Yeo Jin at Seul Bi dahil may gusto pa sana akong puntahan.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ako sa isang album shop na malapit sa may school. Gusto ko kasi sanang bilhin yung latest album ng EXO, yung album ng LOST PLANET nila, eh kaso mukhang nahuli na talaga ako. Nagkaubusan na yata.

Luhaan akong bumalik ng school dahil sinayang ko lang ang free time ko. Natatanaw ko na yung gate ng school nung may biglang humintong van sa harap ko. Tsk. Iiwas pa sana ako nung binuksan nito yung van at tumambad sa akin si Jin na prenteng nakaupo lang habang winawagayway yung kamay niya. Tumingin ako sa likuran ko at nakita na ako lang ang tao na nandun.. Lumingon ulit ako sa kanya at nakita kong kasama niya ang ilang miyembro ng BTS. Si Suga, RapMon and J-hope.

"What?" mataray na sabi ko.

"Hey.. Is it okay if you'll accompany us to SoPA?" sabi ni Rapmon..

Colliding Worlds [BTS Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon