Ikalabing-isang Biyahe:

7.1K 169 13
                                    

Ikalabing-isang Biyahe:

Andrew's point of view:

Sh!t. Ano ba'ng pumasok sa isip ko't nasabi ko 'yun kay Alex? Nakakahiya. Baka akalain niya na.. ugh. Nevermind. Bahala na. Gagawin ko 'to dahil sa isang bagay -- ang palayuin si Rixton sa buhay ko. Ramdam ko na marami pa siyang pwedeng gawin, lalo't alam ko na ang nararamdaman niya.

"'Yun lang ba?" tanong ni Alex sa akin.

Agad akong napatingin sa kanya. Nakatingin din siya sa akin, ngunit nakangiti. Ang alam ko, dapat magalit na siya sa akin. Tumango na lang ako.

"Sure," tipid niyang sabi. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Ugh, ano ba 'tong nararamdaman ko?

"S-Salamat."

"Teka lang. Bakit nga pala tayo magpapanggap?" tanong niya sa akin.

Saglit akong nag-isip. "Huwag muna nating pag-usapan ngayon. Bibigyan na lang kita ng signal kung kailan tayo magpapanggap."

"Sus! Baka naman gusto mo lang ako ah? Hindi bale, iyong-iyo na ako." Ngayon ko lang nalaman na napaka-assuming ng isang ito.

"G@go! Tara na nga!" Tumayo na ako at naglakad pauwi. Bahala siya sa buhay niya.

"Sandali lang!" sigaw pa niya habang hinahabol ako. Parang t@nga talaga 'to. Kailangan pang sumigaw e.

Nang makarating sa bahay ay nanood na lang kami ng movie. Ito lang naman kasi ang libangan namin kapag nandito e. Agad naman niya akong nilapitan at naupo sa tabi ko. Ugh, nakakahalata na ako. Mukhang siniseryoso naman niya ang kundisyon ko!

"Sandal ka sa akin, babe," malambing niyang sabi.

"Babe your face," naaasar kong sagot habang tutok pa rin sa panonood.

"Eh 'di ba, magsyota na tayo?" nakangisi niyang sabi na naman. T@ngina.

Hindi ko na lang siya sinagot. Baka mas lalo lang akong mainis.

"Bahala ka. Basta ako, ang alam ko, magsyota na tayo. Niligawan mo ako, at sinagot na kita," nakangisi na naman niyang sabi.

"Conceited ka masyado." Bahala na nga siya sa kalokohan niya.

Marahil ay dahil sa pagod ay nakaidlip ako.

***

Alex' point of view:

Patapos na ang palabas nang mapansin kong nakatulog na pala si Andrew. Agad kong pinatay ang TV at player saka ko siya binuhat papunta sa kwarto niya. Medyo mabigat siya, sa totoo lang. Kung sabagay. May porma naman ang katawan niya.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon