ILYMAC Book Two//Prologue

1K 36 4
                                    

AUTHOR'S NOTE:

EY EY EY~! Hello, hahaha. So ito na nga! The most awaited Prologue of Book 2! Well, prologue palang naman 'to so it was really meant to be like this! 

Read the some SPOILER at the Author's Note after the Prologue! 

Prologue

“Glad to be back,” Bulong ko sa sarili ko habang nakasilip ako sa bintana ng eroplano. Kalalapag lang nito at nag-aayos na ang ibang passengers ng mga sarili nila upang maghanda sa pagbaba. Kinuha ko naman ang shades ko pagkatapos kong tumingin sa salamin para mag-ayos ng sarili.

It’s been 3 years. 3 long years that felt so long. At hindi sapat ang mga salita para maipahayag kung gaano ako kagalak ngayong nakabalik na ulit ako sa Pilipinas.

Pagkapasok ko sa airport ay mga flash ng camera ang sumalubong sa akin. Ito talaga ‘yung purpose ng shades eh.

Agad naman akong ngumiti at binati ang mga taong sumalubong sa pagdating ko. Even after 3 years, still, kilala pa rin nila ako.

Agad akong sumakay sa sasakyan bago pa magkagulo sa NAIA. Mahirap na, baka ako na naman ang masisi. Remember the last time before I left for London? Hay. Pagkadating talaga namin sa mansion ay agad akong sinermunan ni Mamita doon. Grabecious goodness.

Nakarating naman ako sa village ng matiwasay. Umalis na rin ‘yung dating family driver namin para umuwi kaya solo flight kong kinaladkad ang gamit ko papasok sa bahay nung makarinig ako ng tahol. Tahol?

“Arf!”

Napalingon ako sa kanan ko at nakita ang isang pamilyar na isa. Pero hindi katulad noon ay mas malaki na ito at may kasama pang dalawang tuta. Waaaah! Ang cuteeeeee!

“Boy~~~!!!” Agad tumakbo sa akin si Boy at niyakap ko naman siya. Waaah, kahit na hindi maganda ang unang pagkikita namin ng asong ‘to, mahal na mahal ko ‘to. Huhu, na-miss ko talaga siya realtalk!

“Look at this, may babies ka na. Huhu, bakit ka nagka-anak habang wala ako? Ang dugas mo ah!!”

“Arf! Arf!”

Napangiti nalang ako at binaling ang tingin ko sa pintuan.

Kung nandito si Boy, ibigsabihin nandito rin si...

Patakbo naman akong pumasok sa bahay at nakita ang isang lalaki na nakatalikod sa may kusina. Hindi ko alam kung maluluha ba ko or matutuwa sa nakikita ko. Pero higit sa lahat, mas na-miss ko ang taong ‘to.

“Daryll...” 

****

AUTHOR'S NOTE:

So, how was that? Haha, prologue palang naman so konting hintay nalang sa Book 2. 

SPOILER FOR THE BOOK TWO OF ILYMAC!

> Sa PVP Fanfiction ko, may OCs(Original Characters) ako na si Krystal ad Kristopher 'yung kambal na anak na ina-adopt nina Hana at Shin. So this is it pansit, KRISTOPHER CHUL will be one of the main cast of our ILYMAC's Book 2 so sa mga fans ng kambal diyan, you can read his side in this book! Wieee~! Saya hindi ba? Haha. 

[ Infinite L as Kristopher Chul & Kim Hyuna as Krystal Chul ]

Well, too much information is bad so 'yan lang ang mais-spoil ko. Anyways, on the middle of typing pa ang Chapter One so abangan ninyo nalang ang pagp-pop out niya one day. Hahaha.

P.S. The real reason kung bakit nagkaroon ng Book 2 ay dahil sa bestfriend ko. After niyang mabasa kasi 'to is kinulit niya ako na ang cliffhanger daw kesyo open ending ganern so pinilit akong gumawa ng Book 2. Eh dahil forever soul sisters kami, I granted her wish. Haha. 

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Where stories live. Discover now