Chapter V - Lost In Space

207 6 12
                                    

Dedicated to PurpleYellow =) Thank you sa support! :*

Chapter V - Lost In Space

Nathan's POV

"Thank you sa payo, Eunice." wika ko sa babaeng ito. Yeah.. I still remember her. Sino ba naman hindi makaka-alala sa babaeng biglang nangyakap sayo sa isang bookstore? Hahaha. ang weird weird talaga nitong babaeng ito. At ngayon, mas nabigla ako dahil nagkataon pang dito rin siya sa apartment na ito umuupa? Wow ha.

Nagkataon nga lang ba? O... sinasadya niya?

Ang alam ko, ang sasabihin ng ilan sa inyo diyan, eh DESTINY O FATE ang dahilan ng lahat ng nangyayaring ito. Pero naniniwala akong nagkakamali kayo. 

I really don't believe in such thing as Fate. Tayo gumagawa ng tadhana natin. Tayo ang gumagawa ng sariling desisyon natin sa buhay. Tayo lang. Ang sarili lang natin. 

Nakangiti pa rin siya sa'kin. 

Ang weird talaga nitong babaeng ito. 

Dumungaw naman siya sa bintana sa tabi ko. 

Nakangiti lang din siya sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip.

Napatingin naman ako sa isang lalaki na mukhang kalalabas lang sa unit nito. 

Di siya kalayuan kaya nakita ko siya mula dito. 

Kitang kita ko rin ang..

pagpatak ng mga luha niya mula sa kanyang mga mata.

Napansin na rin naman niya kong nakatigin pa sa kanya kaya agad-agad siyang pumasok uli sa unit niya.

Ano kayang problema nun? Well, lahat naman ng tao may mga problema. At ramdam ko ang sakit na nararamdaman nung taong iyon. Di ko alam kung bakit. 

"Salamat, Nathan." -Eunice

"Ha? Para saan?" Parehas na kaming nakadungaw sa bintana ngayon.

"Kasi, naalala mo ko."

"Ahh.. Madali lang talaga kong makatanda. Hahaha." pagdadahilan ko.

"Haha. Basta, salamat pa rin." 

"Oh, By the way. Pangalan lang natin ang alam natin sa isa't isa. Hm, ako muna magpapakilala. Ako si Chris. First year College student sa DLSU-D. CPE course ko."

"Computer Engineering? Whew. Yabang. Kaw na Engineering! XD"

"Bakit? Ikaw? Ano course mo?"

"Accountancy."

"Wow. Nagsalita ang nag-take din ng Math Course."

"Hehehe. Sige ako naman. Accountancy, sa UST ako nag-aaral."

"So, how about your family?"

"Uhm, nagtatrabaho sila sa ibang bansa. Pinapadalan ako ng pera, ganyan."

"Ooh. So, sino kasama mo ngayon? Ikaw lang?" 

"Hm, yung friend ko."

"Oh."

"Ikaw naman. :)"

"Ako? Mag-isa na lang ako sa buhay. Iniwan na ako ng Mom and Dad. Long story, eh."

"Haha. Sasabihin mo rin naman yan sa kin kapag naging super close na tayo." tapos bumelat siya.

"Haha. Siguro."

"Tumingin ka sa langit, Na- este, Chris." tumingala naman ako sa langit. "Lahat ng tao sa mundo, nasa iisang langit lang kaya alam mo, yung distance natin mula sa kanila doesn't matter. Nasa iisang mundo lang tayo. Malapit pa rin sa kanila. Kaya tumingala ka lang sa langit at maiisip mong di ka nag-iisa. Marami kaming kasmaa mo sa mundong ito."

A Thousand Years by EuniceWhere stories live. Discover now