ENGKANTO

450 5 0
                                    

Hindi naman lahat ng tao nakakita na ng enkanto pero karamihan alam ang kwento tungkol sa engkanto. Ayon sa usap usapan ng mga matatanda, panget daw ang itsura nito at nakakatakot pero nag aanyong tao dw ang mga ito at kayang kontrolin ang mga nasa paligid pero minsan di din sila nagpapakita...

Ayon sa isang kwento ng lola ko sa kabundukan ng Ilocos Sur may tinatawag silang

 CORPUZ Valley noon dahil karamihan ng nakatira dito ay mga Corpuz ang apelyido..Panahon pa ng mga hapon.. 

Si Auring ay pinsan ng lola ko na masmatanda sa kanya nasa edad 20 at ang lola ko naman ay 15 ang pangalan nya ay lota...

Nung mga panahon na iyon ay uso daw ang tupada (chick fight) kung saan nagtitinda sila ng mga minatamis na mga pagkaen..2 oras ang nilalakad nila bago makarating sa lugar ng tupada mula sa Corpuz Valley kaya kailangan nilang lumuwas ng pagkaaga-aga para hindi sila abutin ng init ng araw sa daan at para makarame na din ng benta at sa gabi naman ay disioras na ng gabi sila nakakauwi.. Sobrang hirap daw ng kalagayan nila noon kaya kahit mahirap yung pinagdadaanan nila hindi parin sila sumusuko kahit delikado pa ang daan dahil nga sa panahon pa yun ng hapon..

8pm

Madilim na ang gabi.

Maliwanag ang bwan.

Patapos na ang tupada.

Lota: manang Auring isang oras na lang matatapos na ang tupada..makakauwi na tayo.

Auring: oo nga Lota pero hindi na naten aantayin ang isang oras, maya maya ay uuwi na tayo para hindi tayo masyadong gabihin sa paglalakad. Nakarami naman na tayo at naitinda.

Tuwang tuwa si Lota sa sinabi ng ate Auring nya. Makakauwi sila ng maaga. Dumating na nga ang oras para umpisahan na ang paglalakad ng dalawa.

9:40pm

Maliwanag ang bwan

Huni ng kuliglig ang maririnig

Malamig ang simoy ng hangin

40 minuto na silang naglalakad at isang oras pa ay makakarating na sila sa Corpuz Valley. 

Lota: Manang Auring kamusta na kayo ni Manong Fortunato

Auring: Ayon ok naman kame ading.. Pagod na ko at gutom pa anlayo pa naten..

Lota: Oo nga Manang ako din pagod na..

Auring: Wag ka mag.alala makakarating din tayo sa bahay...kunting tyaga pa..daan na lang tayo sa kakawayanan sa shortcut para masmadali.

Lota: Manang Auring dadaan nanaman tayo jan sa kakawayanan baka mamaya my Maengkanto tayo natatakot ako..

Auring: wag kang matakot kasama mo naman ako e. Walang engkanto dito. Di yon totoo.

Sa pagsambit na iyon ni Auring ay tila lumakas ang ihip ng hangin at bigla itong nakaramdam ng kung ano na nagsasabing wag na lang silang tumuloy sa kawayanan at tila maslumakas pa ang huni ng mga kuliglig sa paligid..Ngunit abot tanaw na nilang dalawa ni lota ang kakawayanan kunti na lang ay nasa loob na sila nito kahit labis ang takot ni Auring ay humakbang na sila...Sa kanilang paghakbang sa loob ng kakawayanan ay bigla na lang nilang naramdaman pareho ang panlalamig na tila ba my pumipigil sa kanila at yung kilabot na magtatayuan ang balahibo mula sa kamay papunta sa batok ay naramdaman nila. Habang pinagpapatuloy nila ang paglalakad ay unti unting yumuko yung mga kawayan na tila ayaw silang palampasin sa kanilang dadaanan kasabay nito ang alulong ng mga aso na sa karatig pook na tila my ibang nakikitang nilalang... wala silang magawa kundi mag yakapang dalawa at magdasal at napaupo sa lupa sa sobrang takot...tila dininig ang kanilang dasal dahil biglang nawala at bumalik sa dating anyo ang mga kawayan... Magbuhat nung mangyari iyon lage na silang may kasamang masmatanda pa sa kanila at hindi na rin dumadaan sa kawayanan na iyon...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ENGKANTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon