Part 1

22 9 5
                                    

Bilang isang bata, Gustong gusto ni Jungkook na pumupunta sa trabaho ng kanyang ina. Mayroon syang sariling tindahan at may masasarap at ibat ibang uri ng candy. Ito ay isang maliit na inuupahang pwesto sa harap ng isang paaralan at ilang hakbang sa isang bagong gawang sikat na mall.
Kumbaga jackpot ang lugar nila. Ang tindahan ay kaakit akit kaagad. Dahil sa mga laruan na nakasabit sa bintana at ang mga makukulay na candies sa mga garapon ay naka display.

Sa tindahan, ang kanyang ina ay tumatayong boss , consultant , cashier at janitor . Minsan hindi naman nya kaya ang mga gawain ng sabay sabay kaya ay kanyang asawa at panganay na anak ay tumutulong din. Si Jungkook ay nakikitulong lang sa tindahan ng walang bayad at pag may libreng oras. Syempre kumukupit din sya minsan ng mga candy kapag di nakatingin ang mga magulang nya. At tanging cute na smile lang ang kanyang paglaban pagnahuhuling kumukupit.

Lumipas ang mga taon, si Tita Fergie ang ina ni Jungkook ay tumatanda na din at di na ganun kalakas tulad ng dati. Samantalang sya din ay nakatapos na ng junior high school at naghahanda nang pumasok sa senior high upang sa future ay maipasa na sa kanya ang kanilang tindahan.
Tumanggi ang kanyang panganay na kapatid na pamahalaan ng pamasamantala ang negosyo at tulad ng isang taksil ay tumakas ito para gumawa ng news program at maging reporter na pangarap nito mula pa nung pagkabata

Isang bakasyon, habang bumibisita si sa kanyang ina . Ginulat nya ang lahat sa kanyang interes at pag usisa sa mga bagay bagay. At napagpasyahang italaga na si Jungkook bilang isang trainee salesman at katulong ang kanyang ina sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapalakad ng tindahan. At upang dahan dahan na syang masanay sa kanyang trabaho. In all ayhalos handa na sya. Tanging edad at edukasyon nalang ang usapin.
Habang nasa junior hs palang sya, nakakuha sya ng textbook tungkol sa economics at law. At dahan dahan na syang naghanda para sa pasukan. Laking pasalamat nya dahil sa pangarap nyang ipagpatuloy ang kanilang negosyo.

- Ma , anong itsura ko? - ikalabing isang tanong neto, habang nakaharap sa salamin at inaayos ang kanyang buhok.
Ang kanyang tiwala sa sarili ay hindi nagbago mula pa nung bata pa sya.

-" Kasalanan naman kung di natin i share ang gandang lalaki ko sa buong mundo di ba?" Dagdag pa neto. Napangisi ang mga mgulang neto sa kanyang sinabi.

- Naku, kung magtatagal ka pa dyan sa harap ng salamin at ma late ka sa first day mo sa trabaho. Bka mabalewala ang ganda ng buhok mo.

- Tatakbo na ako , - sigaw neto at hinalikan ang kanyang ina at nagpaalam.

Limang minuto ang lumipas , at natatawang nakatingin parin sa pintuan ang kanyang ina.

- isa , dalawa , tatlo .

Biglang bumukas uli ang pinto. At dali daling pumunta sa pasilyo nang walang anu anu ay kinuha ang susi na nakasabit sa lagayan nila ng susi. At nagpaalam uli.

"Hindi ka parin nagbabago, makakalimutin ka parin. " - singhal ni Tita Fergie at nanuod na muli ng tv

Samantala , ang mga kalye ng lungsod ay masikip at ginagawa. Ang tao ay tumitingin sa kanya at nag bubulungan. Pasingit singit sya sa mga kotse at animo ay may humahabol sa kanya.

" Nagawa ko"- hingal na hingal na sabi neto habang nakaupo sa isang upuan sa backroom ng tindahan.

At habang hinuhubad nya ang kanyang sweatshirt at bago nya pa maayos ang kanyang buhok na nagulo dahil sa kanyang pagmamadali kanina.
Binasag ang katahimikan ng biglang tumunog ang maliit na bell na nakasabit sa taas ng pintuan.

- Good morning - napatalon ang lalaki sa backroom , at naka auto smile ito na isa sa kanyang trademark habang bumabati

Isang magandang babae ang pumasok sa pinto. At nakatingin sa mga paninda.

- Can i help you?..

- Ahmm . Gusto ko sanang bumili eh para sa kapatid ko .. - bulong ng dalaga. At sabay tingin sa sahig habang lumalapit. Hindi niya inaasahang isang gwapong lalaki ang makikita nya sa halip na si Tita fergie

- " Hindi ka dapat nakatingin sa sahig, miss. Hindi namin ipinagbibili yan eh." - tumawa si Jungkook , at sinubukang ibahin ang awkward na sitwasyon.

- Ilang taon na ba ang kapatid mo?". - sabay diretsong tanong nya.

- Nine.

- Ah so dito tayo. Tyak magugustuhan nya ang mga gummies na ito. - nagtungo ang lalaki sa isang lugar na puno ng mga bear.

- Maari ka pa ring bumili ng kendi- tumango sa counter , kung saan matatagpuan ang ibat ibang candies at gum.

" Uh-huh." Tumango ang costumer.

So tumalikod ang lalaki upang bumalik kung nasaan ang counter. Gayunpaman ng sya ay lumingon , ay wala na ang kanyang kausap na costumer.

" Kakaiba sya ah"- nagkibit balikat sya, at bumalik nalang sa salamin.

" Wag mong sabihin " - sabi ng isang tinig .

Tumingin sya sa paligid at hinanap nya rin ito sa buong kwarto subalit wala sya nakita.

Malinaw na may narinig syang boses ng isang tao. Nag tataka sya kung saan kaya galing yun?

- Narito ako, - nagmula sa likuran

Paglingon nya ay napa sinok sya ngunit wala namang tao sa likuran nya.

-" Siguro masyado lang akong excited" muling pagtitiyak nya sa sarili. At huminga sya ng malalim.

Natapos ang araw , bukod sa insidente nung umaga ay wala naman nang naging problema. Nakaya nya ang dagsa ng costumer at pasalamat nya ay mulat na sya sa mga gawain sa tindahan mula pa nung pagkabata.

Gabi na at matapos nyang magreport sa kanyang magulang. Ay isasara na nya ang tindahan nang may marinig syang pamilyar na echo.

" We are closed "- biglang nagyelo ang buong katawan nya sa narinig. At sinubukan nyang tumingin sa backroom at wala syang nakita.

- Di ako natatakot noh - aniya sa sarili, pero habang pumapasok sa isip nya ang mga eksena sa suspense at horror films na pinanuod nya, kinikilabutan sya.

Napalunok , at habang kinakapa nya ang kamyang telepono sa lamesa, nang hindi inaalis ang mga mata sa lugar kung saan nanggaling ang kakaibang boses. Inalis lang ang mata upang i unlock ang telepono at buksan ang flashlight neto. Sapat na ang liwanag ng kanyang flashlight upang makita ang isang batang babae na ngumuguya ng kulay rainbow na gummies sa gitna ng silid. Nabigla ,napasigaw ang lalaki at nalaglag sa sahig ang phone nya habang hawakhawak ang kanyang dibdib ng sya ay mapaupo sa sahig. Tulad nya ay maamong tuta na umiyak sa gulat. Dahil sa itsura nya ay nasiyahan ang babae at di napigilan na tumawa ng malakas.

- Kung sumigaw ka , para kang babae - nang huminahon at may seryosong mukha.

- Ikaw.... Sino ka?.. eto.. Anu ka ba?... -patuloy na sigaw ni Jungkook at hindi pinansin ang mga panlalait.

" Hindi ko alam," nagkibit balikat lang sya.

Tunay na nanginginig sa takot ang binata.

" Bakit..? " Humagikgik ang binata at nawalan ng malay..

Ghost At Candy StoreWhere stories live. Discover now