Wakas

370 20 0
                                    

Wakas

Kakatapos ko lang maligo ng may marinig akong nagdoorbell sa labas. Kaya agad kong kinuha ang towel para punasan ang sarili ko bago isinuot ang boxer short.

Naglakad na ako papunta sa pinto para pagbuksan kung sino ang nagdodoorbell sa labas.

Nagulat ako ng makita si Sophia sa harap ng condo ko.

Anong ginagawa niya rito? Akala ko hindi ma muli kami magkikita pagkatapos ng limang taon.

Malaki ang ipinagbago niya. Mas lalo siyang gumanda. Nagmature din ang katawan niya. Her boobs... oh wtf! Stop Eli!  Wag mong pagpantasyahan ang ex-girlfriend mo.

"Eyes up!" Sabi ko dito. Nakita ko kasing nakatingin siya sa baba ko o sa abs ko siguro.

Ito kasi ang sinayang mo, Sophia.

"Uh...He-hello." Nauutal na sabi niya.

Namiss ko ang boses niya. Bakit parang ang sexy at ang sarap pakinggan ng boses niya?

"Anong kaylangan mo?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Hindi niya masabi. Nagkanda utal utal parin siya.

"Pwedebakongmakitirasayo?" Mabilis na tanong niya. Wala akong naintindihan.

"Pwede ba akong makitira sayo?" Tanong niya na nagpagulat at ipinagtaka ko.

Bakit? Bakit sa akin pa siya titira? Wala ba siyang sariling bahay?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Sinabi niyang  ito raw ang malapit sa pinagtatrabahuan niya. Really? Or you are just making excuses?

"Sa tingin mo papayag ako na titira ka sa condo ko?" Tanong ko sa kanya. Ipinagkrus ko ang braso ko.

Nagmakaawa siya pero hindi ako pumayag sa gusto niya.

Nakakagulat naman kasi na makita ang ex mo na sasabihin na makikitira ito sa bahay ng ex niya. Anong pumasok sa isip ng babaeng ito?

Sinabihan ko rin ito na magfile siya ng resignation letter pagkatapos ay maghanap na siya ng bagong trabaho na malapit sa tinitirahan niya.

Pero dahil hindi siya tumigil at nakulitan na ako ay pumayag narin akong tumira siya sa bahay ko.

Binigyan ko siya ng mga kondisyones, pumayag naman siya.

Dinala ko siya sa bahay. Bahay namin. Pinagawa ko ito dahil akala ko noon kami na talaga hanggang dulo.

Nakaplano na itong gawin pagkatapos namin grumaduate ng kolehiyo.

Kahit naghiwalay na kami ay binalak ko paring ituloy ito kasi umaasa parin ako na baka magkatuluyan parin kami.

At mukhang pinagtagpo nga ulit kami ng tadhana. Dahil nagkita ulit kami ng ex ko pagkatapos ng limang taon.

Alam ko rin na clumsy siyang tao. Naalala ko noong may bisita ako. Sinabi ko sa kanya na huwag siyang bababa kaso di niya sinunod at nakabasag siya ng isang vase.

Hindi na talaga nabago ang pagiging clumsy niya.

Minsan ay inuutusan ko siya kapag naiinis ako kasi naaalala ko yung paghihiwalay namin. Pero madalas ay gusto ko lang siyang asarin.

Habang tumatagal na magkasama kami sa bahay, bumabalik ulit ang nararamdaman ko sa kanya limang taon na ang nakakalipas.

Yung paghihiwalay namin, nakakalimutan ko na. Pumapasok sa isip ko na dapat kalimutan ko na ang nakaraan at magumpisa na ulit ng panibagong buhay.

Kaso noong nagkakamabutihan na kami. Akala ko okay na lahat, yoon pala hindi parin. Iniwan parin ako ni Sophia.

Naiinis ako kasi ang bilis niyang sumuko! Kaya ko naman siyang ipaglaban. At walang karapatan ang mommy ko na pakielaman ang sarili kong buhay.

Living At My Ex House [COMPLETED]Where stories live. Discover now