Kabanata 29

297 18 0
                                    

Kabanata 29

Nakaimpake na ako ng mga gamit ko. Pati na rin ng mga gamit ni Eli.

Ngayong araw kami pupunta ng probinsiya ko. Ang pangasinan.

"Tara na." Aya sa akin ni Eli. Siya na ang kumuha ng bag namin.

Konti lang ang dala namin lalo na ako dahil may damit naman ako sa probinsiya namin. Saka hindi rin naman kami magtatagal dahil marami pang gagawin si Eli sa opisina niya.

"I miss your parents. Pati na rin si Adrian at Sid." Sabi niya habang nagdadrive siya.

Si Adrian ay yung sumunod sa akin, bata palang rin siya dahil nag-aaral palang sa high school at si Sid, ang bunso sa amin. Nasa Elementary palang.

"Miss ka na rin naman nila." Sabi ko sa kanya.

"Palagi ka ngang tinatanong sa akin kung bakit di raw kita kasama kapag umuuwi ka." Nasabi ko rito.

Kapag umuuwi kasi ako ng probinsiya namin nung college palagi ko siyang kasama.

Tapos nung naghiwalay kami, madalang na ako pumunta sa probinsiya namin para hindi mahalata nila na naghiwalay na kami ni Eli noon. Siguro sa loob ng limang taon na iyon, dalawang o tatlong beses lang ako nakauwi. Tapos saglit pa.

"Anong sinabi mo sa kanila?" Tanong niya.

"Sabi ko busy ka kaya hindi kita kasama." Sabi ko sa kanya.

"Matagal na rin ako nung huli akong napunta sa amin. Kasi ayokong mahalata nila na hiwalay na tayo noon." Dagdag ko.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Dinala niya iyon sa labi niya upang halikan.

Parang may humaplos sa puso ko ng ginawa niya iyon.

"Wala ng makakapag-hiwalay sa atin." Sabi niya. Hindi niya rin binitawan ang kamay ko habang nagdadrive siya.

"Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ko rito. Hawak niya parin kasi ang kamay ko habang nagdadrive siya. Siguro mag-iisang oras na.

"Kaylan man ay hindi ako nahirapan pagdating sayo." Sabi niya. Bolero!

"Bitawan mo na nga.." Sabi ko rito. Pero imbis na bitawan ay hinigpitan niya pa ang pagkakakapit.

"Malayo pa ang byahe natin, Eli. Tsaka gusto kong matulog. Mahirap matulog kung yung kamay ko ay nasa cambio mo." Sabi ko dito.

Binitawan naman niya agad ang kamay ko.

"Sleep now." Sabi naman niya na sinunod ko rin agad. Inaantok kasi talaga ko. Alas-tres ng madaling araw kami umalis para maaga kami makarating.

Siguro ay alas-siyete ng umaga ay makakarating na kami.

Nagising nalang ako ng may humahaplos sa pisngi ko.

"Good Morning. Nandito na tayo." Sabi niya sa akin.

Kinusot ko ang mata ko para umayos ang paningin ko.

Nakaparada kami sa tapat ng nabay namin. Nakita ko na agad si Adrian at Sid na nagmamasid sa sasakyang nakaparada sa harapan ng bahay.

Nauna na akong bumaba kay Eli, dahil gusto ko na agad mayakap ang mga kapatid ko pati na rin si nanay at tatay.

"Ateee!"

"Ate!"

Sabay na sabi ni Adrian at Sid ng makita nila ako. Agad silang tumakbo papunta sa akin at niyakap agad ako.

"Namiss ka namin ate! Bakit ngayon ka lang ulit nakauwi?" Tanong ni Adrian sa akin pagkatapos niya akong yakapin.

"Sabihan mo si tatay tsaka nanay na umuwi na si ate!" Excited na sabi ni Sid kay Adrian.

Living At My Ex House [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon