Kabanata 19

434 23 4
                                    

Kabanata 19

"Eli, ano ba!" saway ko sa kanya. Paano ba naman kasi, umagang umaga, nagluluto ako dito bigla nalang siyang yayakap at hahalikan ang leeg ko.

"I miss you so much!" sabi niya ulit. 

Paulit ulit niyang sinasabi na sobrang namiss niya ako. 

"Tigilan mo nga ako, madalas naman tayo magkita dahil dito ako nakatira sa bahay mo." Paliwanag ko rito, busy sa pagluluto ng pritong manok.

Hinayaan ko na lang siyang yumakap sa akin hanggang sa matapos akong magluto.

"Maglagay ka na ng mga plato sa lamesa." Paguutos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.

Pagkalapag ko ng niluto kong ulam at naupo na sa pwesto ko, naupo na rin siya sa tapat ko.

Siya na ang naglagay ng kanin sa plato ko pati ulam.

"Papasok ka ba sa trabaho mo ngayong araw?" Tanong ni Eli habang kumakain kami.

"Oo, kaylangan kong pumasok dahil nagleave ako ng matagal noong nakaraan." Paliwanag ko sa kanya bago isinubo ang pagkain ko.

"Hatid na kita." Pag-aalok niya. Tumango naman ako bilang sagot.

Natapos na kaming kumain, at nagpresenta ako na ako nalang ang maghuhugas ng mga pinagkainan.

"No, ako na. Ikaw na nga nagluto, ikaw pa maghuhugas? Ako na ang bahala rito, maghanda ka na lang para sa trabaho mo." Sabi niya.

Kaya imbis na makipagtalo ako sa kanya ay sinunod ko na lang siya.

Simula ng nagkaayos kami, bigla nalang talaga nagiba ang ihip ng hangin, kung paano ko siya nakilala noon, ganon parin siya hanggang ngayon.

Mabilis lang akong natapos maligo at mag-ayos. Bumaba na agad ako para sana tanungin si Eli kung papasok din ba siya sa trabaho niya.

Saktong pagbaba ko ng hagdanan ay narinig ko naman ang tunog ng doorbell, kaya imbis na pumunta sa kusina ay dumiretcho ako sa labas para tignan kung sino ang nag doorbell.

Bigla akong nagulat at kinabahan ng nakita ko ang mommy ni Eli na nakatayo at nag-aantay. Kasama niya pa si Zacia.

Mabilis kong binuksan ang pintuan para papasukin sila.

Akala ko magugulat lang ako dahil nandito ang mommy ni Eli, pero mas nakakagulat pa pala dahil sa ginawa niya ngayon.

"Mommy!!" Tila gulat at galit na tawag ni Eli sa mommy niya.

Agad naman akong pinuntahan ni Eli para tanungin kung okay lang ako, tinignan niya pa ang pisngi ko.

Hindi ko inaasahan na sasampalin ako ng mommy ni Eli.

"Why did you do that, mom?!" Seryosong tanong ni Eli sa mommy niya.

"Bakit nandito pa yang babaeng yan sa bahay mo?" Galit na tanong ng mommy ni Eli.

"Girlfriend ko siya, mommy. Kaya may karapatan siyang tumira rito." Mataas na boses na sabi ni Eli sa mommy niya.

"Sa harap pa mismo ng fiancé mo sinasabi yan." Her mom said.

Hindi ko tinatanggi na girlfriend niya ako, kasi iyon naman ang totoo, simula ng magkaayos kami, ay naging kami na ulit.

"Wala akong fiancé, kung meron man si Sophia lang at wala ng iba." Seryosong sabi ni Eli.

"Eli!" Saway ng mommy niya.

"Kung ang ipinunta niyo lang dito ay para sabihin na fiancé ko si Zacia at para saktan si Sophia, makakaalis na kayo." Sabi niya.

Living At My Ex House [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon