Kabanata 17

458 25 8
                                    

Kabanata 17

Natawa siya dahil sa sinabi ko.

"Ganyan ka na ba kadesidido kaya gusto mo maging tayo ulit?" Sarkastikong tanong niya.

"Mahal parin kita." Diretchang sabi ko.

Tinignan ko siyang mabuti para malaman kung magbabago ba ang reaksyon niya.

Wala... walang nagbago sa reaksyon niya. Siguro talagang inalis na niya ako sa puso at isipan niya.

"Do you even hear yourself? Para kang bata na nagmamakaawa, gustong gusto bumali-"

"Kasi gusto ko ngang makipagbalikan sayo dahil mahal parin kita!!" Hindi ko na siya pinatapos sa mga dapat niyang sabihin.

Alam ko na medyo lasing pa siya. Pero kung ito na ang tamang oras para pag-usapan ang nakaraan, upang umusad ang dapat umusad. Kung tama pa ba na ipagpatuloy ko ito, o dapat na ba akong sumuko.

Tumawa ulit siya bago napaubo sa sofa malapit sa may pintuan ng kwarto ko.

Ginulo niya ang buhok at napatingin sa akin. Namumula ang kanyang mukha pati ang mata niya.

"Hindi mo ba alam na ikaw ang dahilan kung bakit sirang sira ang puso ko? Tapos ngayon, nandito sa harap ko ang babaeng minahal ko ng sobra, ang babaeng sumira ng tiwala ko, ang babaeng iniwan ako, nagmamakaawa na balikan siya." Nakayuko siya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak.

Hindi ko naman kasalanan eh.... Wala lang talaga akong magawa, kundi ang sumuko ng mga panahong iyon.

"W-wala naman t-talaga akong balak na makipaghiwalay sayo noon, talagang wala lang akong nagawa ng mga panahong iyon kundi ang s-sumuko." Sabi ko habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Sumuko? Tanginang yan! Ano ba ako para sayo sa mga oras na yon?" Galit na sabi niya. Alam ko na nasasaktan na rin siya.

"It was your mom's fault." Kinakabahang sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya o hindi dahil involved ang nanay niya sa hiwalayan namin.

Tumingin siya sa akin, nakakunot ang noo, pula ang mga mata na halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Wag mong idamay ang mommy ko dito." Galit paring sabi niya. Inaasahan ko na hindi siya maniniwala na ang mommy niya ang dahilan ng hiwalayan namin.

"Kasalanan ng mommy mo kaya tayo naghiwalay. Ginipit niya ang pamilya ko. Siya ang may dahilan kung bakit nawalan ng trabaho ang tatay ko at siya rin ang may dahilan kung bakit pati ako ay muntik ng mawalan ng trabaho." Sabi ko habang patuloy sa pag-iyak.

"Hindi ako naniniwala." sabi niya.

Doon na ako nawalan ng pag-asa. Oo, malamang hindi talaga siya maniniwala kasi mommy niya yon, mas papaboran niya ang mommy niya.

"Naiintindihan ko." malungkot na sabi ko sa kanya.

"Sa susunod na linggo ay baka umalis na ako dito. Doon na ako titira sa nakita kong apartment." dagdag ko. Bigla siyang napatingin sa akin. Lungkot, Pagkabigo at galit ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Bakit...?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

Tinignan ko siya ng may pagtataka. Gusto ko ng sagot.

"Bakit... kung kaylan bumabalik na naman ang nararamdaman ko sayo, aalis ka. Pinaglalaruan mo lang ba ang damdamin ko? Kasi kung oo, nanalo ka na naman." sabi niya. Tumayo siya at tumalikod sa akin.

"You break my heart for the second time." he said bago lumabas ng kwarto ko. Sa buong gabing iyon wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa makatulugan ko na.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Namumugto at sobrang bigat ng pakiramdam ko. 

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Rizza pagkadating ko sa Alvendia Corp.

Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ang pasok ko hanggang sa makarating kung saang floor ang opisina ko.

"Nag-away kayo ni Eli mo, right?" tanong niya pero hindi ko parin siya pinansin.

"Nag-away nga." sabi niya sa sarili niya bago pumunta sa pwesto niya.

Kahit sobrang bigat ng nararamdaman ko ay ginawa ko parin ang mga dapat gawin. Medyo tambak parin ako sa gawain ko dahil nga sa nagleave ako para makahanap ng bahay.

"Ms. Alcantara, to my office, please." nagulat at napatingin ako sa nagsalita. Si Sir Lance pala.

Tumayo ako at inayos muna ang nagkalat na mga papel sa lamesa ko bago ako tumungo sa opisina ni Sir Lance, natanaw ko pa na parang may makahulunggang tingin si Rizza sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin.

"Good Morning, Sir." bati ko dito pagkapasok ko sa loob.

Tinignan niya ako ng may pagtataka.

"Where is the hoy? Usually iyon ang tinatawag mo sa akin kapag ikaw lang mag-isa ang pumapasok sa opisina ko." sabi niya.

"Wala lang akong sa mood ngayon araw." sabi ko at naupo sa upuang nasa harap ng kanyang lamesa.

"Dahil ba ito sa nangyari kagabi?" tanong niya. Umiwas ako ng tingin at hindi siya sinagot.

"Kilala na kita, Sophia. Kaya alam ko na may hindi nga magandang nangyari kagabi." sabi niya. Alam naman niya pala bat pa siya nagtatanong.

"What is it, tell me." dagdag niya. Pero hindi ko siya sinagot.

"Do you still love him?" he asked again. Oo, mahal ko parin siya.

I heard his deep sigh, alam niya kasing hindi ko sasagutin ang mga tanong niya kapag wala ako sa mood.

"Okay. I'll give you privacy about your feelings towards Eli. Kapag ready ka na, pwede kang mag-opened up ng problema mo." suhestion niya.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko. Umiling lang siya. 

"Babalik na ako sa pwesto ko." sabi ko, tumango naman siya.

Tumayo na ako at lumabas ng opisina niya, pero imbis na sa opisina namin ako pumunta, umakyat ako sa roof top ng building para makahinga ng sariwang hangin.

Pagkadating ko doon ay umupo agad ako sa isa sa mga upuan na nandoon. Minsan ay ginagawa rin namin itong pahingaan kaya may mga upuan dito.

"You break my heart for the second time." nagflashback ulit ang sinabi niya.

Tama naman siya, pangalawang beses ko ng sinira ang puso niya. Unang una, iyong nakipaghiwalay ako sa kanya five years ago, at yung kagabi. 

Iniwan ko siya, Bumalik ulit ako, at ngayon ay iiwan ko na naman siya ulit.

Ibig sabihin ay hindi ako para sa kanya. Siguro, hindi tama na tumira ako sa bahay niya at isipin na may pag-asa pa...na magiging kami ulit... na magiging mag-asawa at magkakaanak... but the truth is, ako lang pala ang umasa non. I'm the one who pictured out on what may happened in the future kung nagkabalikan kami. 

I think... I need to accept the fact na hindi na magiging kami ulit. 

I need to get over my past and see the future ahead without him. 

I may not get the closure that I want, but this closure is also a door to close my heart and leave the past without looking back.

08-26-22

twitter: @iamariayou

Living At My Ex House [COMPLETED]Where stories live. Discover now